/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.

Wednesday, February 11, 2009

R

ni –KiMo-

Kalungkutan ko sa iyo’y napapawi
Sa piling mo, napupuno ng ngiti
Kaaya-aya ang katamisan ng iyong ugali
Tulo’y ako’y nawala sa pagmumunimuni

Minsa’y namalisbis na rin ang ‘yong mga luha
Mapanglaw na kahapon na sa iyo’y itinalaga
Ngunit pag-asa’y bumihis sa pagdurusa
Muling napukaw ang nasaktang diwa

Bagong tao, dumating sa ‘yong buhay
Mabait, matalino, mayaman, gwapo at bida sa pagsasayaw
Sa ‘yo pinipilit siya ng marami araw-araw
Animo’y isang tadhanang pinagitaw ng pagbubukang-liwayway

Akala’y siya na ang ‘yong magiging talisuyo
Lingid sa kaalaman ko’y masaya ka na sa piling ng iba
Na sa paglalarawan mo ngayo’y idolo ko na siya
Kaya lang, pangarap ko’ y ‘di tuluyang natamo

‘Di ko alam ang tunay niyang nadarama
Para sa tulad mong may mahal ng iba
Pero kung espesyal ka nga sa paningin niya
Magkaibang tao man, pareho lang ang pinagdaraanan naming pagdurusa

No comments:

Post a Comment