/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.

Friday, February 20, 2009

Soneto 0301

ni 143PoNCaN

Sisiriin ko ang kamatayan para sa 'yo
Lahat ng mga dyablo ay aking kakalabanin
Sa gitna ng umaalong lawa ng impyerno
Alam kong isang perlas kang aking hahawiin
Titik man ng panahon, landas ay magkaiba
Lahat ng sakripisyo ko'y sa 'yo inialay
'Pagkat sadyang ika'y napalimbag na sa diwa
Sa kabiguang puso mo'y matamo, naglamay
Ngunit matatag ang kaluluwang naguluhan
Di bilanggo sa makitid na pagkakamali
Hanggang biglang napakintal sa aking isipan
Sayangin lahat para sa taong walang paki,
Sa sakit at pagdurusa ng puso, magtiis
Malaong namulat sa katotohanang bihis
Kaya't natutong kalimutan ang isang ikaw
Kadilima'y pinalitan na ng bagong araw

No comments:

Post a Comment