Kinagat ng insekto. Nabuhusan ng kemikal. Natamaan ng kidlat. Nakakalipad. May di pangkaraniwang lakas. Matipuno. Matso. May laser sa mata, bumubuga ng apoy, at lumulunok ng bomba. Nakasuot ng fitting na costume. May barbell, headdress, korona, at initials ng pangalan sa dibdib. At higit sa lahat, may brief sa labas. Nahulaan nyo? Mismo. Mga katangian ng isang Superhero. Sila yung mga superstar sa komiks na kung sa totoong buhay ay gagala talaga sa sa mga highway ay matatawa ka sa mga suot nila.
Nag-eenjoy din akong manood ng mga superhero movies pero di ko talaga maalis sa isip ko ang kakulangan nila sa pag-isip ng di gaanong weirdongsuot. Tulad na lamang ni Capt. America na suot-suot ang flag ng America. Hindi ko maimagine kung may Capt. Philippines. Malamang flag din natin ang suot nya at may shield din siyang hugis palanggana.
Seryoso, pero sila yung mga tipo ng nilalang na mukhang jologs ang costume. Subalit, kahit jologs ang kanilang suot, ay iniisip nila ang kapakanan ng mga tao. Kahit Fitting pa ang kanilang suot ay hindi naman limitado ang kagustuhan nilang tumulong. At kahit walang bayad, ay handa silang magpatrol buong araw.Kaya, hayaan nyong ibigay ko ang kaibahan ng mga Superhero sa mga sikat ring tao sa totoong mundo- ang mga politiko. Hayaan nyong ibigay ko ang mga dahilan kung bakit imposibleng maging Superhero ang mga politiko.
May brief sa labas ang mga Superhero, ang mga politiko ay nakabarong. Nakakatawang isipin na kung sino pa ang mukhang jologs ay siya namang madami ang naitutulong. Oo, nasa labas nga ang brief nila, pero wala naman silang takot na baka makita ang lahat ng kanilang ginagawa. Hindi nga sila nakabarong pero, higit pa sa pormal ang tingin natin sa kanila. Habang ang isa, kahit nakabarong, ay binabato naman ng mga isyu na hindi natin alam kung kasinungalingan at pawing isyu lang.
Ang mga Superhero ay aksidente ang pagkakaroon ng kapangyarihan, ang mga politiko’y hindi. Yun nga, ang mga superhero ay maaaring nakagat ng insekto, nakalunok ng bato, nakidlatan o natalsikan ng kemikal. Kung ano mang dahilan ng pagkakaroon nila ng kapangyarihan- ay aksidente at kailanma’y di nila plinanoo ginusto. Habang ang career ng mga politiko ay planado. Ano ang punto? May isang kilalang pilosopo ang minsang nagsabi na ang kapangyarihan ay mas karapatdapat na ibigay dun sa mga taong hindi talaga naghahangad nito at di nagpaplanong makuha ito.
“With great powers come great responsibilities ang motto ng mga Superhero,” habang ang mga politiko ay “with great powers come great influence”. Sa Spiderman unang sumikat ang naunang motto. Sa Pilipinas sumikat ang pangalawa. Ang mga Superhero ay may nakikitang kaakibat na responsibilidad sa kapangyarihan. Ang mga poliyiko’y may nakikitang inpluwensya kaakibat ng kapangyarihan.
Ang mga Superhero mismo ang umaaksyon, ang mga politiko’y nag-uutos ng aksyon. Ito ang malaking twist at irony. Sa pelikula, ang Superhero ang mismong sumusuntok at nabubugbog. Sa balita, ang mismong politiko ang inenterbyu at pinupuri sa mga tulay na ginawa ng mga trabahador o sa mga paaralang pinagtiisang turuan ng mga guro.
Walang pera halos lahat ng mga Superhero, habang kabaliktaran ang mga politiko. Walang pera halos lahat ng mga Superhero. Dahil yun sa inuuna nila ang iba kaysa sarili nila. Alam natin bakit. Habang ang mga politiko ay maraming pera at mansion. Di natin alam bakit.
Masyado nang naging laganap at korapsyon at panloloko sa ating gobyerno. Ang mismong mga taong inaasahan natin na maging kasangga natin ang siyang gumagamit sa atin at pinangsasangga tayo. Aminin natin. Niloloko tayo. Nagpapaloko tayo dahil pagod na tayo. Pagod na tayong magreklamo, magtanong at magPeople Power dahil wala rin namang mangyayari.
Malapit na ang 2010. Di natin alam kung sino ang nagsasabi ng totoo na magiging matapat sila. Maaring lahat ng mga presedentiables ay matapat. Subalit, mas makatotohanang maaring wala sa kanila ay matapat.
Iba-ibang tao. Iba-ibang katangian. Iba-ibang kurso. Iba-ibang plataporma. Subalit dapat iisa ang hangarin- ang maging matapat upang tayo’y umunlad. Sana, yun nga ang hangarin nila.
Maaring di hamak na mas ok ang mga Superhero kesa mga politiko. Kaya lang, sa komiks lang sila nabubuhay. Maaring meron ngang politikong matapat, mabait at tulad ng mga Superhero. Kaya lang, kung meron nga, tiyak di pa siya ipinapanganak.
Malapit na ang 2010. Kailangan natin ng matapat na politiko. At di niya kailangang magsuot ng brief sa labas para mapatunayang matapat siya.

No comments:
Post a Comment