/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.

Friday, February 20, 2009

Untitled

ni -phioph-

Hindi ko alam ba't kita nagustuhan
Isang araw na lang ay inirog kang biglaan
Pinipilit kung tayo'y magkatuluyan
Kahit alam kong sa huli ako pa rin ang masasaktan
Ang matamis mong ngiti,
Ang kumikislap mong mga mata,
Ako'y di makaiwas na tingnan ka
Nahahalata mo na ba?
Ang puso ko'y nagtataka
Sa lahat ng tao ikaw pa
Nagbubulag-bulagan pa kahit alam ko naman talaga
Na sa 'yo, wala akong mapapala

No comments:

Post a Comment