/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.

Wednesday, March 4, 2009

Berdeng Buhok

Bonggang- bongga itong una nating pitik bulag. Kahit ilang buwan pa lamang sila dito sa paaralan, nagkamabutihan na itong sina Alonzo at Mik-mik. Kung naaalala niyo pa sina chocnut at ting, magkatulad ang kwento ng kanilang pag-iibigan. Ang pagkakaiba lamang, hindi sila nagsimula bilang magkaaway. Matagal na silang magkaibigan, sa tagal, mukhang nagkagustuhan na sila sa isa't- isa. Pero kung kikilatasin natin sila, bes ang kanilang tawagan, kaya, ano ba talaga best friends o lovers? Sa ngayon, hindi pa natin masasabi kaya pakaabangan nalamang natin ang susunod na kabanata ng kwento nila bilang magkaibigan.

Hanep itong dalawang babaeng crush ng bayan sa first year. Ang haba ng hair nitong sina Milby at Little. Sa katunayan, ang daming nagkakagusto sa kanilang dalawa. Itong si Little, mayroong tatlong boy dormer na admirer. Ang isa ay ang pinakamatalino sa gintong palasyo na si Mr. 1.2523. Ang isa naman ay dadalhin pa yata si Little sa sarili niyang concert kapag siya'y sumikat na. Tawagin na lamang natin siya sa pangalang Mr. Guitarista. At ang huli naman ay si Lalaking R. Ito namang si Milby, nakatanggap ng mga regalo mula kay Tissue at mula sa pinakamatalino naman sa maladiyamanteng palasyo. Itago na lamang natin itong isa pang nagmamahal kay Milby sa pangalang FM-Static.

Noong nakaraang araw ng mga puso, itong si Dyesebel ay mayroong natanggap na regalo mula kay Mr. Future President. Isang teddy bear at anim na tsokolate lang naman ang natanggap ni Dyesebel ngunit pinatamis ito ng pagmamahal ni Mr. Future President.Hanep itong si Mr. Future President ah,bata pa lang, magiging president na. Gawin kaya niyang first lady itong si Dyesebel? Mukhang bago pa lamang itong tambalan na ito kaya subaybayan nalang natin ang mga mangyayari pa.

4 comments:

  1. nakita q n rin kitang article ka! !hehe. .

    ReplyDelete
  2. to be honest, i don't think i that deserve to be a president...by the way congratulations on the new blog...

    ReplyDelete
  3. it's been like a year now. .waw..my typo last comment q. .so when'll you upd8 this? ?

    ReplyDelete