ni: Alexis Dinopol
Ang ikalabing-apat na araw ng Pebrero ang opisyal na araw ng mga puso. Ito ay pinangalan sa dalawang santong parehong nagngangalang St. Valentine.
Noong 496, opisyal na ipinahayag ni Pope Gelasius ang araw na ito bilang pista ng dalawang santong namuhay noong ikatlong siglo at parehong namatay noong Pebrero 14. Parehong walang kaugnayan sa pag-ibig ang dalawang santo ngunit, sa paglipas ng panahon, naiugnay na ng mga tao ang araw na ito sa pag-iibigan at romansa dahil na rin sa maraming bagay-bagay na taun-taong nangyayari sa araw na ito.
Ang kalagitnaan ng buwan ng Pebrero ay dati na ring pinaniniwalaang simula ng tagsibol. Ito rin ang simula ng maraming bagay tulad ng pagmate ng mga ibon at pagpili ng mga batang lalaki ng babaeng magiging date nila para sa panahon ng tagsibol. Dahil dito, naiugnay na ng mga tao ang araw na ito sa romansa, pag-iibigan at bagong simula.
Taong 1800, naging popular na sa Britain at United States ang Saint Valentine's Day. Taong 1902 naman,lumabas at naibenta sa kauna-unahang pagkakataon ang mga kending hugis puso na gawa ng isang kompanya ng kendi doon. Nakapaloob sa mga kending ito ang iba't- ibang nakakakilig na mga mensahe tulad ng "be mine", "melt my heart", "ur cute", "Soul mate", "dial my #" at marami pang iba. Sa ngayon, ang nasabing kompanya ng kendi ay nakakabenta na ng mahigit walong bilyong hugis puso na kendi taun-taon.
Sa pagdaan ng panahon, natatak na sa mga isip ng mga tao ang simbolo ng Valentine's Day, ang malalaking pulang puso na may pana. Pinapaniwalaan ng karamihan na kinukontrol ng ating mga puso ang ating nararamdaman. Pinaniniwalaan din ng mga tao si Cupido, ang sinasabing anghel na namamana ng mga puso upang paglapitin ang mga taong itinakda ng tadhanang magkatuluyan. Kaya, isang pinaniniwalaang simbolo ng Valentine's Day ang pusong tinamaan ng pana ni Cupido, ang sinasabing puso ng taong nagmamahal.
Sa araw na ito, karaniwang nagbibigayan ng mga regalo at nagpapalitan ng mensahe ang mga nagmamahalan. Kabilang na sa mga regalong ito ay mga tsokolate at card. Ang araw ng mga puso ang ikalawa sa Pasko bilang araw ng pinakamabentang mga card.

No comments:
Post a Comment