/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.

Wednesday, February 11, 2009

Fwend

ni: –KiMo-

Lumalatag na ang kadiliman
Katahimika'y nakatudla sa kalawakan
Sutsot ng hangin siyang napapadaan
Lagaslas ng tubig, naglalaro sa isipan

Minamalas ang mga gunam-gunam
Bagama't ang nakikita'y malamlam
Kahit alaala'y mapang-uyam
Katiningan, nang dahil sa 'yo'y napagmasdan

Sa maitim na nakaraan nabilanggo
Nahalinhan lahat ng ika'y dumako
Nanariwa ang lungkot, tuluyang naglaho
Tikhim at pighati'y yumao

No comments:

Post a Comment