/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.

Wednesday, February 11, 2009

Sapat na...

ni: 143PoNCaN

Ang isang titig sa limang segundo
Ang isang ngiti mula sa ‘yo
Ang isang himig lang ng tinig mo
Ang pagbanggit mo sa pangalan ko
Ang isang salitang sinasabi mo
Ang distanya nating isang metro
Ang isang pagbubulagbulagan sa katotohanan
Na alam kong 'di na mababago kailanman
Sa tuwing ika'y pinagmamasdan
Sa tuwing ika'y napapanaginipan
Magpakailanma’y makapiling ka ay sapat nang kahilingan

No comments:

Post a Comment