Matagumpay na idinaos ang Outreach ’08 noong nakaraang Disyambre 5, taong 2008 sa Philippine Science High School-Southern Mindanao Campus na dinaluhan ng iba’t-ibang estudyante ng iba’t-ibang paaralan.
Sinimulan ang Outreach’08 ng isang programang idinaos sa gymnasium ng nasabing paaralan sa isang mensaheng pambungad ng director ng PSHS-SMC na si Gng. Delia Legaspino. Sinundan ito ng isang presentasyon na pinangunahan ni G. Cromwell Castillo kasama ang mga piling mananayaw ng mag-aaral ng PSHS-SMC. Bumirit din ang tagapamahala ng dormitoryong pambabae na si Bb. Ava Leuterio sa pagkant ng “Bleeding Love”, na sinayawan din ng ilang piling girl dormers.
Matapos ang programa ay ipinamahagi ang mga mag-aaral sa mga iba’t-ibang clubs ng nasabing paaralan upang gabayan at malibang. Tinuruan sila ng nakatakdang club ng kung anong talento o sakop ng kahusayan ng bawat club.
Wednesday, February 11, 2009
Pagdadaos ng Outreach’08, matagumpay
ni Pamela Sacdalan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment