/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.

Wednesday, February 11, 2009

Parent’s Day at 3rd Card-giving Day, idinaos

ni: Abbie Estribillo

Umuwing may ngiti sa mga labi ang mga magulang ng mga mag-aaral sa Philippne Science High School-Southern Mindanao Campus noong nakaraang Enero 28,2009 sa pagdaraos ng Parent’s Day at 3rd card-giving day sa gymnasium ng nasabing paaralan.

Ang naturang araw ay itinalaga para sa pagbibigay pugay at pasasalamat sa mga magulang ng mga mag-aaral ng paaralan. Sinimulan ang programa ng isang maliit na presentasyon ng mga piling miyembro ng Company of Artists, Musician, and Performers o CAMP at ang OASIOAS Dance club ng isang eksena sa “Kindaw Tivokh” bago ang paunang salita ng director na si Gng. Delia Legaspino. Sinundan ito ng pagtawag at pagbibigay sertipiko sa mga nakasali sa Director’s list.

Bago natapos ang programa ay nagbigay ng mga tokens ang mga estudyante sa kanilang mga magulang na nagpapahayag ng kanilang pasasalamat at pagmamahal sa kanya-kanyang magulang. Nag alay din ng isang awitin si Raphaela Marie Borela kasama ang kanyang ama na si G. Arnel Borela para sa lahat.

1 comment:

  1. proud mom naman ako nito. . . thanks for the write up!

    ReplyDelete