ni:Jaina Jabel
Sa bawat pagwawakas ng taon sa paaralan, sa unang linggo ng Abril, ang lahat ng tao, bata man o matanda, mag-aaral man o nagtatrabaho ay naghahanda para sa tag-init. Iba’t iba rin ang mga pinagkakaabalahan ng mga tao tuwing sasapit na ang summer.
Sa tuwing sasapit na ang summer, marami sa atin ang nagbabakasyon sa mga malalaking lungsod o kaya naman ay dumadayo sa mga tahimik na probinsiya. Ang iba naman ay pumupunta sa mga paraiso. Ilan sa mga bakasyunan sa Pilipinas ay ang summer capital ng ating bansa, ang Baguio. Tanyag ito dahil sa malamig na klima na angkop na angkop para sa mga taong pagod at labis nang naiinitan sa summer. Pwede rin ang pangalawang summer capital ng Plilipinas, ang Tagaytay. Dito naman matatagpuan ang pinakamaliit na bulkan sa bansa, ang bulkang Taal. Sikat rin ito dahil sa mga pasyalan sa tabi ng bulkang Taal. Sa Tagaytay, pwede kang magbiking o kaya naman ay horse back riding. Kung gusto mo namang makakita ng bulkang perpekto ang hugis, nasa Aklan lamang ang hinahanap mo, ang bulkang Mayon. Sa Davao naman matatagpuan ang Bulkang Apo, ang pinakamataas na bulkan sa Pilipinas. Tanya grin ang Davao sa masagana nitong ani ng durian at ng marami pang prutas.
Kung gusto mo naman malaman ang iba’t ibang kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas, maaari mong bisitahin ang pinakalumang lungsod ng Pilipinas, ang Cebu. Matatagpuan sa Cebu ang iba’t ibang makasaysayang lugar tulad ng Megallan’s Cross. Tanyag rin ito dahil masaganang ani ng manga, ang ating pambansang prutas. Mula sa Cebu, pwede ka ring dumaan muna sa Bohol. Tanyag naman ang bohol dahil sa Chocolate Hills na kulay tsokolate tuwing tag-init at berde naman kapag panahon ng tag-ulan.
Kung gusto mo naman magrelax, nariyan ang mga resorts tulad ng Boracay na dinadayo pa ng mga turista dahil sa tanyag nitong white sand beaches. Pati na rin ang Palawan, kung saan matatagpuan ang mga nagagandahang resorts at ang underground river.
Kung hindi niyo naman gusting maglakbay pa ng malayo ay maaari naman kayong magkaroon na lamang ng voice lessons,o sumali sa mga acting at iba pang workshops o pumunta sa mga seminars ng mga bagay-bagay na pinagkakainteresan ninyo para naman hindi masayang ang summer ninyo. Pwede ring mag-aral na lamang kayo ng iba’t ibang isports tulad ng swimming, basketbol, badminton, pingpong, at iba pa. Sa ganitong paraan, nakakapag-exercise na kayo habang nag-eenjoy ng summer ninyo.
Para naman sa mga taong mahilig sa “adventure”, maaari ninyong subukan ang mga bagay na sadyang di malilimutan. Isa na rin dito ang “snorkeling” kung saan maaaliw kayong makita ang iba’t ibang uri ng mga isda. Pwede rin magmountain hiking kung ninanais ninyo o kaya’y iba pang outdoor adventures.
Nariyan rin ang mga amusement parks tulad ng Enchanted Kingdom at Star City kung saan ay kakaiba ang iyong nararamdaman pag sumakay ka sa mga rides tulad ng roller coaster, Rig Grande Rapids, at Log Jam. Ngunit pwede rin naman kayong bumisita sa mga iba’t ibang museo. Dito ay marami kayong matututunan at makakakalap pa kayo ng iba’t ibang impormasyon.
Ngunit kahit sa paanong paaraan mo pa man ginamit ang panahon ng tag-init, pumunta sa mga resorts o kahit ano pa man, ang mahalaga pa rin ay kung gaanong saya ang iyong nararamdaman. Kaya’t magsaya na, dahil tag-init na!
galing ni jaina!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete